Mayor's Message

BAGONG AMBULANSYA HANDOG NI GOBERNADOR REMULLA

Written by Iron Man on .

Isa na namang biyaya ang tinanggap ng Bayan ng Maragondon mula sa masigasig na Gobernador Jonvic C. Remulla. Isang bagong ambulansya ang inihandog niya upang patuloy na maging mabilis at epektibo ang serbisyo ng ating bayan pagdating sa pagresponde sa mga emergency cases. 

Isinabay niya ang pagkakaloob ng ambulansya sa Flag Raising Ceremony ng munisipyo kaninang alas 8:00 ng umaga. Nagsidalo ang mga kapitan at kagawad ng bawat barangay, mga Punung Guro mula sa elementarya at sekondarya, Prof. Denise A. Abril(PUP-MB), at mga kawani ng Maragondon Water District.

Iginiit ni Remulla sa kanyang mensahe na kailanman ay wala siyang pinili pagdating sa serbisyo publiko, kaalyado man o hindi. Inilahad din niya ang mga darating na proyekto dito sa ating bayan tulad ng covered court, classrooms, at marami pang iba.

Lubos ang pasasalamat ni Mayor Rey A. Rillo dahil ramdam na ramdam niya ang suporta ng mahal na Gobernador para sa bayan ng Maragondon.

Gallery