Mayor's Message

Patuloy na pagbabago sa Mabato

Written by Iron Man on .

mabatoMahaba-haba na po ang naipakongkretong barangay road sa Mabato simula nang maupo si Mayor Rey A. Rillo. Sa katunayan nakapaglaan na ng 1.3 Milyong Piso ang ating Pamahalaang Bayan ng simulan ang pagsasaayos ng daan sa nasabing barangay noong nakaraang taon. Ang Isang Milyong Piso po na natanggap natin mula sa Performance Challenge Fund ng DILG ay ginugol din natin para madugtungan ang nasimulang proyekto ni Mayor Rey sa Mabato.

Ngayong taong ito, muling naglaan ng halagang Isang Milyong Piso ang ating lokal na pamahalaan upang mas lumawak pa ang maipakongkretong daan sa Mabato. May haba po itong 228 metro at lapad na 4.5 metro. Nagmula po sa 20% Development Fund ng ating munisipyo ang pondong ginamit sa proyektong ito. Ito na po ang pang-apat sa mga proyektong imprastraktura na nailatag para sa mga kababayan natin sa Barangay Mabato bunga ng masigasig na pamumuno ng ating Punong Bayan.
Ang daan kung tatanawin natin walang katapusan, pero sa lider na may tunay na malasakit sa kanyang bayan bawat maliit na bagay may malaking kabuluhan.

Proyektong pambarangay sa Tulay B

Written by Iron Man on .

tulay bIpinapakongkreto na po ang barangay road sa Tulay B(Bodega), may haba itong 203 metro at lapad na 5 metro. Napakalaking tulong ang proyektong ito para sa ating mga kasamahan sa Tulay B dahil sa napakatagal na panahon ay nagtiyaga sila sa mahirap na daan lalo na kapag panahon ng tag-ulan. Makikinabang din ang mga kababayan natin sa Pantihan na dumadaan sa lugar na ito.
Naglaan ng halagang Isang Milyong Piso ang ating Pamahalaang Bayan para sa katuparan ng proyektong pambarangay na ito sa Tulay B. Ito ay kinuha mula sa 20% Development Fund ng ating munisipyo.
Personal na tinutukan ni Mayor Rey A. Rillo ang nasabing proyekto dahil batid niya ang kahalagahan nito sa ating taumbayan.

Gallery