Mayor's Message

Tulong sa mga magsasaka

Written by Iron Man on .

kubotaMuling napagkalooban ang Pamahalaang Bayan ng Maragondon ng mga makinarya sa pagsasaka. Isang yunit ng ‘handtractor’ at isang yunit ng ‘transplanter’ ang pormal na ibinigay ni Mayor Rey A. Rillo sa Magsasaka sa Garita Association(MAGARA) na pinangunahan ng kanilang Pangulo na si G. Antonio Manalo. Nabigyan din ng isang yunit ng ‘handtractor’ ang Cantaricio Farmers Irrigators’ Association na pinamumunuan ni G. Sotero Panganiban.

Ang mga nasabing makinarya ay nagmula sa Kagawaran ng Agrikultura. Ang 2 yunit ng ‘handtractor’ ay nagkakahalaga ng P 254,000.00 samantalang ang 1 yunit ng ‘transplanter’ ay nagkakahalaga ng P 353,000.00. 
Patunay na naman ito ng mas maayos na koordinasyon at pagtutulungan sa pagitan ng ating Punong Bayan at asosasyon ng mga magsasaka dito sa ating bayan. Batid ni Mayor Rey ang pangangailangan ng ating mga magsasaka kung kaya’t agarang aksyon ang kanyang tugon.

Pinasasalamatan namin ang mga kawani mula sa Municipal Agriculture Office na umagapay sa ating mga magsasaka upang magkaroon ng katuparan ang kanilang mithiin.
Sa isang bayan na tapat ang pamamahala, paniguradong tuloy-tuloy ang biyaya.

Gallery