Mayor's Message

Daang ipinangako

Written by Iron Man on .

roadAng daang ipinangako ng lahat ng nakaraang pulitiko ay mabibigyan na ng katuparan sa panahon ng pamumuno ni Congressman Bambol Tolentino at Mayor Rey A. Rillo.

Sinisimulan na po ang pagpapakongkreto ng Maragondon-Alfonso Road kung saan P63,904,810.65 na pondo mula sa pamahalaang nasyonal ang nakalaan para sa katuparan ng inaasam na ginhawa ng ating mga kababayan sa Pantihan. Nagsimula ang konstruksyon mula Taywanak Ilaya Alfonso, Cavite.

Sa ilalim ng proyektong ito, makokongkreto na ng kumpleto ang daan mula Pulo ni Sara(Pantihan 4) papuntang Pantihan 3 at Pantihan 2. Ang baku-bako at mahirap na daan makalagpas ng Bucal 4 papuntang Pantihan ay kasama din sa nasabing proyekto. 
Napakalaking oportunidad ito para sa bayan ng Maragondon dahil magiging bukas na tayo sa mas mabilis na sistema ng kalakalan at mas malayang pagyabong ng turismo na magiging susi ng ating pag-unlad.

Gallery