Mayor's Message

Proyektong pambarangay sa Pantihan 1

Written by Iron Man on .

pantihan 1Naipakongkreto na pong muli ang bahagi ng barangay road sa Pantihan 1(Kanluran),may haba itong 203 metro at lapad na 5 metro. Ito po ang karugtong ng naunang proyektong imprastraktura sa nasabing barangay noong nakaraang taon.Napakalaking tulong ang proyektong ito para sa ating mga kasamahan sa Pantihan 1 dahil sa napakatagal na panahon ay nagtiyaga sila sa mahirap na daan lalo na kapag panahon ng tag-ulan.

Naglaan ng halagang Isang Milyong Piso ang ating Pamahalaang Bayan para sa katuparan ng proyektong pambarangay na ito sa Pantihan 1.Ito ay kinuha mula sa 20% Development Fund ng ating munisipyo.

Personal na tinutukan ni Mayor Rey A. Rillo ang nasabing proyekto dahil batid niya ang kahalagahan nito sa taumbayan. 
Ang proyektong katulad po nito ang malinaw na patunay na ang pondo ng bayan ay nagagamit ng tama para sa ating mamamayan.

Gallery