Mayor's Message

DAAN PARA SA KALIGTASAN AT KAGINHAWAAN

Written by Iron Man on .

Ang Pamahalaang Bayan ng Maragondon sa pangunguna ni Mayor Rey A. Rillo ay patuloy na naglalabas ng mga proyekto na karapat dapat sa lahat ng mamamayan. Isinagawa ang pagsasaayos ng Hanging Bridge saPinagsanhan B kung saan nagkaroon ng selective replacement ng wooden component at total replacement ng cyclone wire sa magkabilang gilid ng tulay. Tinatayang aabot sa Apat na Daan at Pitumpung Libong Piso(P470,000.00) ang pondong magagamit sa lubusang pagsasaayos ng tulay. Ang pondong nakalaan dito ay nagmula sa buwis ng ating mga mamamayan.


Batid po ng ating Punong Bayan ang magiging abala sa mga dating tumatawid sa nasabing tulay, ngunit minabuti niyang ituloy ang proyekto dahil ang isinasaalang-alang po niya ay ang pangmatagalang proteksyon o kaligtasan para sa publiko. Naghihintay ang ginhawa pagkatapos ng abala.

Isinagawa ang pagbabasbas sa nasabing tulay noong ika-22 ng Hunyo 2014(7:30n.u.) na pinangunahan ni Rev. Fr. Lino N. De Castro. Lubos ang kagalakan ng mga taga Pinagsanhan dahil magagamit na ang hanging bridge, lalo na sa pagdiriwang ng kapistahan sa nasabing barangay bukas(Hunyo 24, 2014).

Hangad po ng ating Punong Bayan ang ligtas ninyong paglalakbay sa mas higit na matibay at mas ligtas na hanging bridge.

Gallery