Mayor's Message

PAMAMAHAGI NG MGA BARANGAY PATROL

Written by Iron Man on .

Sunud-sunod ang biyayang dumarating sa bayan ng Maragondon. Personal na ipinagkaloob ni Congressman Bambol N. Tolentino ang 10 barangay patrol kaninang umaga. Kabilang sa mga nakatanggap ng patrol ang Barangay Poblacion 1-B(Kap Mercelito Rillo), Poblacion 2-A(Kap Robert Angeo), Bucal 1(Kap. Trojan Carlo R. Eseque), Bucal 3-A(Kap Amador Pescasio), Bucal 3-B(Kap Rodrigo Anglo), Tulay B(Kap Manuel Angat, Sr.), San Miguel B(Kap Alfredo DiƱo), Garita B(Kap Shyryl Hernandez), Pinagsanhan A(Kap Jovenal Umandal) at Pantihan 3(Kap Manuel Gloriani).

Binendisyunan ni Fr. Lino N. De Castro ang mga nasabing barangay patrol bago pormal na ipamahagi sa mga nabanggit na barangay. Ang lahat ng ito ay naging posible sa pakikipagtulungan ni Mayor Rillo kay Congressman Tolentino. 

Lubos ang pasasalamat ng lahat ng kapitan na nabiyayaan ng patrol dahil magiging kasangkapan nila ito sa mas mabilis na paghahatid ng serbisyo publiko sa kanilang mga nasasakupan.

Gallery