Mayor's Message

SERBISYONG RAMDAM NG TAO

Written by Iron Man on .

Personal na pinuntahan ni Mayor Rey A. Rillo ang mga kababayan nating may kapansanan na nabiyayaan ng wheelchairs. Kabilang sa mga nakatanggap ng wheelchair sina Gliceria Omandac(Poblacion 1A), Trinidad DiƱo(Bucal 4), Benita Evangelista(Bucal 4), Jerickzel Gordula(Poblacion 2A), Estelita Villanueva(Bucal 4) at Consuelo Rillo(San Miguel A). 

Lubos ang kagalakan ng ating mga kababayaan sa tulong na ibinigay ng ating Punong Bayan. Ang pondo na ginamit na pambili sa mga wheelchair ay kinuha sa Person with Disability(PWD) Program ng ating Municipal Social Welfare and Development Office.
Naging kaagapay ni Mayor Rillo sina Gng. Adelaida P. Profeta(MSWDO) at G. Vicente Villanueva(OSCA, Head) sa pamamahagi ng wheelchairs.

Gallery