Mayor's Message

POBLACION, NASUNGKIT ANG KAMPEONATO

Written by Iron Man on .

Matapos ang 2 buwan ng tagisan ng lakas, nasungkit ng team Poblacion ang championship sa katatapos na Inter Barangay Basketball and Volleyball League. Naging kapana-panabik ang deciding game sa basketball noong ika-18 ng Mayo 2014 sa pagitan ng Poblacion 1 at Caingin kung saan tinanghal na kampyon ang Poblacion 1.

Hinirang na Most Valuable Player si SAIMON CAMACHO. Napabilang naman sa Mythical Five sina DINDIN SOLOMON, BRYAN LINSON, ARGIE CANLAS, AUSTIN DONEZA, MACKY HORNALES. 

Pagkatapos ng basketball game, isinagawa din ang awarding ceremony para sa mga nagwagi sa volleyball league. Naiuwi ng Poblacion 1B (kanluran) ang championship trophy sa Women’s and Men’s division ng nasabing volleyball league.

Hinirang na Most Valuable Player sina JOY VILORIA (Women’s Division) at JOVEN ANCAYAN (Men’s Division).

Lubos ang kagalakan ni Mayor Rey A. Rillo dahil naging matagumpay ang buong liga. Pinasalamatan niya ang lahat ng mga manlalaro dahil naipamalas nila ang pagiging maginoo sa lahat ng laban.

Gallery