Mayor's Message

BASKETBALL EXHIBITION GAME

Written by Iron Man on .

Napuno ng manunuod ang covered court ng Maragondon noong gabi ng Mayo 10, 2014.

Nagpakitang gilas ang mga lokal na manlalaro na bumubuo ng Team Maragondon nang sagupain nila ang mga celebrity guests sa isang basketball exhibition game.Lubos na nasiyahan ang mga manunuod ng makita nilang makipagsabayan sa loob ng court ang mga hinahangaang artista tulad nina Jay Manalo at marami pang iba.

Sa mensahe ni Mayor Rey A. Rillo,sinabi niya na ito ay panimulang hakbang pa lamang upang makabuo ng matatag at mahusay na manlalaro na bubuo sa Team Maragondon na siya nating ipanlalaban sa iba’t ibang liga hindi lamang sa Cavite kundi pati na rin sa iba pang lugar.
“Kasama ang Maragondon Youth and Sports Association, makakapaghubog tayo ng mga de-kalibreng manlalaro na mag-aangat at magbibigay karangalan para sa ating bayan sa larangan ng palakasan”, wika ni Mayor Rillo.

Naging posible ang basketball exhibition game sa tulong ng pamilya ni Melo Medina at iba pang balikbayan na parating nakasuporta sa mga programa ng bayan ng Maragondon.

 

Gallery