Mayor's Message

FARM TO MARKET ROAD SA BRGY. MABATO

Written by Iron Man on .

Isa na naman pong Proyekto mula sa 20% Development Fund ang isinagawa ng ating Punong Bayan, Kgg. Reynaldo “Kuya Rey” Anglo Rillo sa Barangay Mabato upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayang magsasaka upang mapadali ang pagdadala ng kanilang mga naaning pananim sa merkado at sa ibang karatig bayan.

Ang Concreting ng Farm-to-Market Road sa Brgy. Mabato ay may 111 metrong haba, may lapad na 4.5 metro at may kapal na 6 inches. Kabilang ito sa kanyang programang “BAGONG MARAGONDON” na kung saan ang pagseserbisyo sa mga mamamayan ang una sa kanyang listahan.

Abangan pa po natin ang iba pang mga proyekto na kanyang isasakatuparan sang-ayon sa hinihiling ng kanyang mga kababayan !!!

Gallery