Mayor's Message

2ND OPTHALMIC SERVICES

Written by Iron Man on .

Nagkaroon muli ng serbisyo publiko ang inihandog ni Mayor Rey A. Rillo kasama ang Vicente Medical Group noong Marso 11, 2014. Nagkaroon ng libreng Eye Check-up sa Maragondon Covered Court kung saan karamihan sa ating mga Senior Citizen ang nakinabang.

 

Ang lahat po ng nagpasuri na mangangailangan ng Cataract Surgery, Pterygium, Excision, Glaucoma Surgery at Yag Laser Capsulotomy and Iridectomy ay walang babayaran basta may philhealth.

 

Ang operasyon po ay gaganapin sa Manila Vision Correction Center, Robinson Ermita Mla. 3rd Floor kung saan ang post operative medication at check-ups ay libre na. Nasa 76 na Senior Citizen ang nagpasuri ngayong Marso 11, 2014 sa Maragondon Covered Court, Maragondon Cavite.

Serbisyong handog sa inyo, serbisyong ramdam ng tao.

Gallery