Mayor's Message

MABUHAY BAGONG MARAGONDON!

Written by Iron Man on .

garbage truckPatuloy ang pagdating ng BIYAYA sa Bayan ng Maragondon.

Isang bagong mini-Dump Truck ang ipinagkaloob sa ating bayan mula sa Pamahalaang Panlalawigan. Ito ay bunga ng masugid na paghiling ng ating Punong Bayan Kgg. Reynaldo A. Rillo sa ating Punong Panlalawigan Kgg. Juanito Victor C. Remulla.

Dahil sa ipinagkaloob na mini-Dump truck, ang kaayusan ng ating kapaligiran ay ating mapapangalagaan. Bagama’t hindi natin nagiging problema ang mga kalat / basura sa ating bayan, napakalaking tulong sa atin ang sasakyang ito.

Maraming marami pong salamat Gobernador Jonvic Remulla, Mayor Rey Rillo, Vice-Mayor Pinboy Angeles at mga kasamang SB members.

BAGONG MARAGONDON PAGPALAIN KA !!!

Bagong Fire Truck para sa Bagong Maragondon

Written by Iron Man on .

fireHumigit kumulang 17 taon na ang kasalukuyang ginagamit na fire truck ng Maragondon Fire Station. Malimit na po itong masira at talagang hindi sapat para serbisyuhan ang buong bayan ng Maragondon.

Noong ika-26 ng Agosto 2014, pormal na sumulat si Mayor Rey A. Rillo kay dating DILG Secretary Mar A. Roxas upang humingi ng isang bagong fire truck.

Sa ating matiyagang paghihintay at maayos na koordinasyon, napagkalooban na po tayo ng isang bagong fire truck. Mas malaki at mas naaangkop para sa mas epektibong pagresponde sa panahon ng hindi inaasahang ‘fire related incidents’.

Maraming maraming salamat sa ating presidential aspirant Mar Roxas, DILG Secretary Mel Senen-Sarmiento, Mayor Rey A. Rillo, Vice Mayor Pinboy C. Angeles, SB Members, SFO4 Nestor Calasanz at Maragondon BFP Personnel.

Sa isang bayan na tapat ang pamamahala, paniguradong tuloy-tuloy ang biyaya.

 
 

Gallery